Monday, December 1, 2014

Tama at Maling Paraan ng Pag-iipon

Karamihan sa mga tao ay mali ang paraan ng pag-iipon. Natutunan ko din sa internet na kadalasan, hindi naman nasusunod ng karaniwang Pinoy ang mga budget na ginagawa nila. Parang New Year's Resolution lang... laging napapako. Kaya taon-taon din ang #BalikAlindog program nila.

Tatanungin ninyo ako ngayon, "Ano ba ang mali sa paraan ko ng pag-iipon?"

Kadalasan ay ganito ang ginagawa nating style pag-iipon:




Uunahin ang pagsha-shopping at kung ano na lang ang matira, iyon na ang ipon. Ang nangyayari ay halos wala na natitira pagkatapos gumastos. At mas madalas na nangyayari ay wala na ngang na-itatabi para sa ipon. 

So, ano ang ginagawa ko?

Ang tamang paraan ay ganito:



Dapat ay bago pa man makapamili ng mga bagay-bagay, unahin dapat i-tabi ang para sa ini-ipong pera. Mas maganda kung automatic na lang na itatabi ito ng bangko para sa inyo mula sa payroll account ninyo. Ang gamit ko sa BPI ay isang Save-Up Account. Libre lang magbukas ng account at P1,000 lang ang maintaining balance, may insurance ka pa!

Ang na-itatabing pera dito ay ang magiging simula para sa dalawang bagay na posibleng gawin na ipapaliwanag ko sa mga susunod na araw: ang Emergency Fund at ang iyong Investments.

Sa ngayon, ang dapat mo lang malaman ay ang Emergency Fund ay perang pwede mong kunin sa panahon ng pangangailangan at ang Investments ay perang hindi mo gagalawin sa loob ng mahabang panahon. Ito ang magiging susi para makapag-retiro tayo na milyonaryo. 

Magkano ang dapat na itabi o ipuning pera? Nasa'yo na iyan. Gaya nga ng sabi ko dati, puwedeng maliit lang, pakonti-konti linggo-linggo, araw-araw, o buwan-buwan, basta nag-iipon. Bawasan lang ng konti ang nakasanayang luho, may maiipon ka pang dagdag sa dati mo nang itinatabing pera. 

1 comment:

  1. 1xbet korean | KORG98.COM
    1xbet korean in 바카라 korean. With an outstanding gaming library, and choegocasino generous bonuses, you'll find 1xbet korean one that offers the best odds. 1Xbet korean

    ReplyDelete