Madalas din itong itanong sa akin kapag may mga kakilala akong gustong mag-simulang mag-invest sa stockmarket.
Ano nga ba ang pinag-kaiba nila?
Sabi sa Investopedia ay sa ngayon, pareho lang sila ng tinutukoy. Mas general lang ang 'stocks' kaysa 'shares'. Ang stocks ay naglalarawan sa pagmamay-ari ng isa o maraming kumpanya. Ang 'shares' naman ay naglalarawan sa pagmamay-ari ng isang partikular (specific) na kumpanya.
Maaaring sabihin mo na, "Kaka-bili ko lang ng stocks ngayon dahil bagong suweldo ako!" at kapag tinanong ka ng, "Stocks ng alin?" ay masasagot mo ito ng, "200 shares ng Jollibee!"
Kung sa pang-araw-araw na usapan lang ay hindi ito gaanong mahalaga. Ngunit sa usapang legal, magandang malaman ang pinag-kaiba ng dalawang termino na ito.
No comments:
Post a Comment