Bakit ko ito ipapayo sa isang taong gustong magretirong milyonaryo? Dahil kapag sinabi ko na tanggalin mo ang luho mo para maka-ipon ka, hindi mo na susundin ang payo ko diba?
"Ay, ang hirap naman pala. Huwag na lang!"
Iyan malamang isasagot mo saken. Pero kung babawasan lang naten ang mga luho, mas magaan para sa'yo ang 'adjustment'. Sasabihin ko sa'yo na mas mabilis mong maaabot ang target mo sa pag-iipon kung tatanggalin mo ang luho mo. Nasa'yo na kung gusto mo ng mabilis na mahirap na paraan o mabagal na mas madaling paraan.
Gagawin kong halimbawa ang mga tinatawag ni Suze Orman na "latte expenses". Kung linggo-linggo ka nasa-Starbucks, gawin mo itong isang beses sa dalawang linggo. Magkano natipid mo? P100 sa dalawang linggo, P200 sa isang buwan, P2,400 sa isang taon. Maliit lang ba iyon? Siguro. Pero kung i-invest mo sa stock market ang P2,400 mo, sa loob lang ng 5 taon, posibleng kumita na ito ng P860 na wala kang ginagawa. Eh dahil buwan-buwan ka nakaka-tipid ng P200 dahil sa hindi mo pag-Starbucks, ang pera mo'ng P12,000 na naipon ay posibleng maging P14,500+. Imbes na P860 lang, P2,500+ ang kikitain mo. Hindi ka lang nag-Starbucks.
Hindi mo tinanggal ang luho mo. Hindi nagunaw ang mundo. Nag-3-in-1 ka lang na kape sa isang linggo at Starbucks yung sumunod. 5 taon lang, posibleng may P14,500+ ka na.
Sabi ko na sa 'yo, madali lang itong ginagawa nating pagtitipid. Kailangan mo lang din mag-simula sa maliit, hindi kailangan ang malaking suweldo.
No comments:
Post a Comment