Ako si Dei, isang empleyadong pumapasok araw-araw sa trabaho. Nagko-commute at sumasakay ng LRT at MRT papasok sa trabaho. May asawa't malapit na magka-anak. Di kalakihan ang suweldo pero nakakapag-ipon naman at ngayon nga'y nagmamay-ari ng ilang kumpanya.
Alin-alin? BPI, BDO, Jollibee, Ayala Land, at Cebu Pacific.
Paano? Dahil lang sa librong ito:
Dito nag-simula ang napakadali at masayang paraan kung paano ko nakikita ang sarili ko bilang isang retiradong milyonaryo... in 20 or 30 years!
Kaya ko naisipang simulan ang blog na ito -- para malaman mo din ano ang gagawin para makapag-retiro ng mas maaga na hindi inaalala ang pera. Aminin na natin, kulang ang SSS o GSIS pension na matatanggap natin pagdating ng panahon na magre-retiro na talaga tayo. Kaya ito ang first step para ma-secure ko ang pamilya ko financially.
Diba gusto mo din mag-retirong milyonaryo?
No comments:
Post a Comment