Wednesday, November 26, 2014

Pa-konti-konti Lang

Gaano ka-konti ang kailangan mo para magsimulang mag-ipon? 

Nakita ko itong 52-week challenge sa internet dati. At ito din ay part ng paano ako nakapag-start mag-ipon. Kung paano ko nasimulan at naging "habit" ang pag-iipon ng pera. 


Binago at binagay ko lang ang technique para sa mga nagsimula sa maliit, gaya ko. Sa kakaunting halaga, simula sa barya. Sampung piso. P10. Ten Pesos. 




Tuwing Biyernes o kung kailanman mas convenient sa'yo, Simulan mong mag-ipon ng P10. Ang 'magic' dito ay dadagdagan mo lang ulit ng P10 yung nauna mo nang na-ipon last week. 

Halimbawa, ngayong araw na 'to, nag-hulog ako ng P10 sa alkansya. Sa susunod na linggo, P20 ang ihuhulog ko. At sa susunod, P30. Linggo-linggo ka lang maghuhulog ng dagdag na P10 sa halaga ng nahulog mo sa nakaraang linggo. 

Ang resulta ng isang taon na pag-iipon nito? P13,780 lang naman. 

Hindi na masama diba? 

Ngayon ay November 26 na. Sa ngayon ay may P11,760 na ako na hindi ko man lang namamalayan! Bukod pa ito sa ini-invest ko. Kailangan lang ay masinop at masipag ka mag-ipon. Huwag kang matutuksong kumuha dito ng pera kapag kinakapos ka na. Pero kung hindi maiiwasan, OK lang. Subukan lang ulit magsimulang mag-ipon. 

Ang target naman ng 'exercise' na ito ay mabuo ang 'habit' ng pag-iipon linggo-linggo, araw-araw -- hindi ang halaga ng perang na-ipon Kapag nasimulan na ito, mas madaling simulan ang pagpa-plano ng pag-retiro mo ng mas maaga at ng maginhawa. Dito natin masisimulan ang pag-iisip o mentalidad na ang perang itinatabi natin ay para sa kinabukasan, hindi para sa mga bagay na kinalaunan ay masisira at mawawala lang. 


No comments:

Post a Comment