Tumataya din ako sa lotto pero hindi araw-araw o linggo-linggo. Tumataya lang ako kapag na-i-tabi ko na ang para sa savings ko at may sobra sa mga gastusin ko. O di kaya'y isa-sakripisyo ko ang isang bagay (hindi magsa-Starbucks ngayong linggo) para may pang-taya ako kung gustong-gusto ko talagang tumaya dahil malaki ang premyo. Ang bottomline lang ay tumataya ako dahil gusto kong mag-libang sa pagtaya at pag-abang sa draw at hindi ko nilalagay ang pera ko sa peligro. "Sakto lang." ika nga. Alam ko ano ang priorities ko -- prayoridad ko ang pagreretiro ko ng kumportable at walang inaalala.
Bago ako tumaya, sinisigurado ko na nakapag-invest na ako.
Nag-lagay ako ng Lotto Results Philippines sa kanang bahagi ng blog para sa mga gustong subaybayan ang kanilang mga itinataya sa lotto. Nawa'y makatulong ito para madaling makita kung milyonaryo na nga kayo o hindi.
Bilang paala-ala sa inyo, subukan ninyong panoorin itong bidyo mula sa sipnayan.com:
Somewhere the content of the blog surrounded by little arguments. Yes it is healthy for readers. They can include this kind of language in their writing skill as well as while group discussion in college.lotto
ReplyDelete