Friday, December 5, 2014

Paano Bumili ng Kumpanya?

"Whaaaaaat?! Empleyado lang, bibili ng kumpanya? Wehhh????"

Huwag kang magulat! Hindi ako nagbibiro. Hindi rin kita niloloko. Nakabili ako ng kumpanya, mura lang... P259.00 Ano'ng kumpanya? Meralco lang naman. 

Oo. Nakabili ako ng parte ng Meralco sa P259.00 lang kada share. Ang total na gastos? P2,590.00 para sa 10 shares.

Paano nangyari iyon? Una, binasa ko muna ito'ng libro ni Bro. Bo: "My Maid Invests in the Stock Market". (Puwede mo din ito'ng i-download ng libre!) Pagkatapos noon ay nag-basa pa ako ng ibang libro tungkol sa pag-aayos ng pinansyal na kaalaman. At sa huli ay sumali ako sa Truly Rich Club. Dito tinuruan nila ako paano mag-bukas ng account sa COL Financial (o dating CitisecOnline), paano ito pondohan, at paano bumili ng stocks. Madami na ang nagawang websites tungkol doon kaya di ko na ituturo sa inyo. I-li-link ko na lang kayo sa kanila. Mas magaling at madali silang mag-sulat eh! :) 



Paano bumili ng kumpanya/paano bumili ng stocks?
 
Sundan niyo lang ang instructions nila at kasama na namin kayo na naghahanda para sa pagreretirong milyonaryo!

No comments:

Post a Comment