Ngayong alam mo na din ang tamang paraan ng pag-iipon, handa ka na maglaan ng parte ng suweldo mo buwan-buwan sa pagre-retiro mo. Ang iniisip mo marahil ay, "magkano ba dapat ang itatabi ko sa suweldo ko?"
Isa sa natutunan ko kay Bo Sanchez sa Truly Rich Club ay ang "10-20-70 Rule": hahatiin mo lang ang suweldo mo sa 10% para pang-tulong, 20% para sa ipon, at 70% sa mga gastusin mo. Ito ay isang mas konkretong halimbawa ng "living below your means" na ang ibig sabihin ay hindi buong suweldo mo o higit pa ang nagagastos mo buwan-buwan.
Halimbawa: Ang suweldo mo ay P10,000.00 kada buwan. Ang 10% o P1,000.00 ay ilalaan mo na pang-tulong sa kapuwa, kapamilya, kamag-anak, o di kaya'y sa Simbahan. Sa TRC kasi, hindi lang kayamanang salapi ang pinapag-yaman kundi pati ang mga espiritwal na pangangailangan. Ang 10% na ito ay maaari mong i-tratong "guideline" kung hindi ka relihiyoso. Kung sa praktikal naman, dito mo iipunin ang ipapadala mo sa mga kamag-anak na humihingi ng tulong. Ito ang ipon na puwedeng gamitin kung kinakailangan.
Ang 20% na ipon o P2,000.00 ay ang siyang gagamitin natin sa ating pagre-retiro. Itatabi ba natin ito sa bangko? Puwede, kung sapat na sa'yo ang 1% per annum na interes. Pero dahil gusto nating mag-retirong milyonaryo, ito ang gagamitin natin sa pag-i-invest sa stock market, gaya ng katulong ni Bo Sanchez. Hindi natin ito gagalawin o gagastusin sa loob ng 10 taon o 20 taon o higit pa. Papalaguin natin ito para sa ating pagre-retiro.
Ang pinakahuli, 70% o P7,000.00 ang pagkakasiyahin natin sa isang buwan para sa mga regular na gastusin. Nasa sa iyo na kung alin ang ipa-prioritize mo pero disiplina lang ang kailangan. Bawasan lang ang mga kain sa labas, magluto lang at mag-baon araw-araw ng pananghalian, matuto lang mag-kontrol sa gastusing importante at hindi, sigurado akong kakayanin mo itong pagkasyahin.
No comments:
Post a Comment