Natanong mo na ito marahil dahil natatakot ka -- natatakot na maglaho parang bula ang kinita mong pera. Naglipana ang mga scam ngayon dahil marami ang gusto ng mabilisan at madaling paraan ng pagyaman.
Sa pag-invest sa stock market tulad ng ginagawa sa TrulyRich Club, kasama ang mga payong pinansyal na binibigay nila, mas nakasisiguro akong investment talaga ang ginagawa ko at hindi scam. Boring nga kung ikukumpara mo sa mga 'easy money' scheme na ginagawa ng iba. Ang maganda din sa stock market investment ay hindi mo kailangang pilitin ang iba na sumali, hindi kailangang mag-recruit para lang kumita ng pera at maka-'exit' na. Hinding-hindi ka nanlalamang ng kapwa-tao mo. Malinis ang iyong konsensiya.
Ano ba ang mga senyales na scam ang pinasok mo? Panoorin mo ang video sa baba:
Nakuha mo ba ang 'checklist' nila? 1. Nangangako ng malaking kita buwan-buwan habang nasa bahay ka lang. 2. Mag-miyembro sa kumpanya sa pamamagitan ng pagbayad ng membership fee o pagbili ng produkto. 3. Pinag-re-recruit ka ng mga bagong miyembro sa 'business opportunity' na ito. 4. May kumplikadong paraan ng pagbibigay ng "commission" at "marketing plan". 5. Hirap magbenta sa labas ng mga distributors. 6. "Too Good to be True"
Dahil miyembro ako ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez, regular ako nakaka-tanggap sa email ng mga gabay sa pag-i-invest. At bukod dito, minsan ay may mga inspirational messages siya para panatilihin ako sa tamang mindset at tuloy-tuloy ang pag-invest.
Sa TrulyRichClub.com, may mapapanood kayong video ngayon. At bahagi nito ay ang kuwento ng isang retiradong seaman at kaniyang asawa.
Ito rin ang madalas na trahedya ng mga OFW. Lumalabas ng bansa para kumita ng malaki, aasa sa pension, at kapag nagkasakit, mangungutang na lang ng pambayad sa ospital at gamot. Nakakalungkot diba?
Marami na akong nakaka-usap tungkol sa pag-i-invest sa stock market. Bukod sa tinatamad o walang puhunan, ang pinaka-madalas na gawing palusot o excuse nila para mag-simulang mag-invest ay TAKOT.
Bakit, aswang ba ang stock market?
Palagay ko ay ganito lang ang nangyayari: may magku-kuwento sa kanila na, "Ay, oo! Si Pedro, nag-invest sa stock market. Nawala lahat ng ipon niya! Delikado yan!"
O di kaya: "Peperahan ka lang niyan. Parang networking/insurance lang gagawin sa'yo. Pagkatapos ng sampung taon na nagbabayad ka buwan-buwan, mawawala parang bula/malulugi yang kumpanyang yan. Mawawala lang pera mo."
Kayo ba, may mga alam kayong takot sa pag-i-invest sa stock market? Bakit sila takot mag-invest? Ano ang dahilan bakit sila nag-a-alinlangan?
Isa sa natutunan ko kay Bo Sanchez sa Truly Rich Club ay ang "10-20-70 Rule": hahatiin mo lang ang suweldo mo sa 10% para pang-tulong, 20% para sa ipon, at 70% sa mga gastusin mo. Ito ay isang mas konkretong halimbawa ng "living below your means" na ang ibig sabihin ay hindi buong suweldo mo o higit pa ang nagagastos mo buwan-buwan.