Sa pag-invest sa stock market tulad ng ginagawa sa TrulyRich Club, kasama ang mga payong pinansyal na binibigay nila, mas nakasisiguro akong investment talaga ang ginagawa ko at hindi scam. Boring nga kung ikukumpara mo sa mga 'easy money' scheme na ginagawa ng iba. Ang maganda din sa stock market investment ay hindi mo kailangang pilitin ang iba na sumali, hindi kailangang mag-recruit para lang kumita ng pera at maka-'exit' na. Hinding-hindi ka nanlalamang ng kapwa-tao mo. Malinis ang iyong konsensiya.
Ano ba ang mga senyales na scam ang pinasok mo? Panoorin mo ang video sa baba:
1. Nangangako ng malaking kita buwan-buwan habang nasa bahay ka lang.
2. Mag-miyembro sa kumpanya sa pamamagitan ng pagbayad ng membership fee o pagbili ng produkto.
3. Pinag-re-recruit ka ng mga bagong miyembro sa 'business opportunity' na ito.
4. May kumplikadong paraan ng pagbibigay ng "commission" at "marketing plan".
5. Hirap magbenta sa labas ng mga distributors.
6. "Too Good to be True"
Kung napakalaking CHECK ang sagot mo sa 6 na puntong ito, naku, mag-isip-isip ka na. Hindi yan investment at mawawalan ka lang ng pera... o kung ipagpapatuloy mo iyan at mag-recruit ka ng sandosesang tao, sana ay kalabitin ka ng konsensiya mo.
Nasabi ko na din dati kung bakit gustong-gusto ko sa TrulyRich Club ni Bro. Bo -- dahil hindi lang pagpapayaman ang itituturo nila kundi pati ang tamang asal at 'mindset' sa pagpapayaman. At ang yaman na natatanggap mo ay biyayang mula lamang sa Panginoon at kailangan mo itong gamitin upang tulungan ang mga nangangailangan nito.
No comments:
Post a Comment