Thursday, August 27, 2015

Tipid Tip: Magbayad ng Sobra

Huh? Paano naging paraan ng pagtitipid ang pagbayad ng sobra?
Ipapakita ko kung paano ko ito ginagawa. Ito ang bill ko sa internet:






Naka-Plan1299 kami sa Globe para sa internet at landline. Sa bill na ito, makikita niyo na ang balanse ko sa Globe ay PHP -1,025.03. Ibig sabihin, may 'deposit' na akong pera sa bill ko. Parang may ipon na din ako sa kanila. At kung mapapansin ninyo, nagbayad ako ng PHP 1,500.00 imbes na 1,299.00 lang. Para saan? Isa itong paraan ko ng pag-iipon ng pera. Gaya ng sabi ko dati na pakonti-konti lang, na-iipon din ang maliit na halaga. 



Ngayon, sa sumunod na buwan, halos puwede na akong hindi magbayad ng bill sa Globe. "Nakatipid" ako ng PHP 1,299.00 sa pakonti-konting dagdag na bayad na PHP 201.00 buwan-buwan. 

Simple lang at walang kahirap-hirap. 

Pero nagbayad pa din ako ng PHP 1,500 sa sumunod na buwan. Bakit? Dahil ang target ko ay maka-ipon ng "emergency fund" sa loob mismo ng bill ko sa Globe. Para hindi ko puwedeng i-withdraw para ipang-gastos sa ibang bagay. At panatag din ang loob ko na hindi ako mawawalan ng pambayad sa internet dahil may 'ipon' na ako. 

Ganito rin ang ginawa ko sa bill namin sa cellphone at tubig. Sa Manila Water, maari na akong hindi magbayad ng isang taon! Ang di ko lang puwedeng gawin ay magbayad ng sobra sa Meralco dahil sa online payments, nire-require nila na Exact Amount ang ibayad. 

Gusto niyo ba ang technique ko sa pagtitipid at pag-iipon? May personal tips din ba kayo? Ilagay niyo lang sa comment box. :)

No comments:

Post a Comment