Hindi po ako analyst, stock broker, o eksperto.
Ako po ay empleyadong pumapasok araw-araw, Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. Nagko-commute, pinapawisan, dumudugo, at nasasaktan! (Tao ako! TAO!)
Gusto ko pong ipaalala na ang mga nakalagay dito ay mula sa mga nababasa ko din sa internet at mga payong natatanggap ko sa Truly Rich Club. Bilang isang miyembro, ikinatutuwa ko ang guidance na nabibigay nila sa akin sa paglalakbay sa mundo ng investments sa Pilipinas. Madali lang pala.
At dahil sa kanila, nabuo ang pangarap kong maging isang retiradong milyonaryo. Isa ang blog na ito na naging bunga ng pangarap na iyon. Kaya habang ako'y naghahanda, gusto ko'ng ibahagi sa inyo kung ano na nga ang nangyayari sa aking paglalakbay.
Itinuturo din po sa akin na may significant na risk involved o pakikipagsapalaran sa pag-i-invest sa stock market. Gaya din ito ng pagnenegosyo -- maaaring kumita o malugi. Pero ang kinaibahan ng nasa Truly Rich Club ay puwede kang pumili ng paraan na mas angkop sa plano mo. Nasa'yo na kung gusto mo ng high risk-high reward o low risk-low reward. Personally, sa pangalawa ako. Dahil hindi lang sa isang taon ang pagpa-plano ko kundi para sa pagre-retiro ko.
No comments:
Post a Comment