Marami na akong nakaka-usap tungkol sa pag-i-invest sa stock market. Bukod sa tinatamad o walang puhunan, ang pinaka-madalas na gawing palusot o excuse nila para mag-simulang mag-invest ay TAKOT.
Bakit, aswang ba ang stock market?
Palagay ko ay ganito lang ang nangyayari: may magku-kuwento sa kanila na, "Ay, oo! Si Pedro, nag-invest sa stock market. Nawala lahat ng ipon niya! Delikado yan!"
O di kaya: "Peperahan ka lang niyan. Parang networking/insurance lang gagawin sa'yo. Pagkatapos ng sampung taon na nagbabayad ka buwan-buwan, mawawala parang bula/malulugi yang kumpanyang yan. Mawawala lang pera mo."
Kayo ba, may mga alam kayong takot sa pag-i-invest sa stock market? Bakit sila takot mag-invest? Ano ang dahilan bakit sila nag-a-alinlangan?
Sa ngayon, sa programa ng TrulyRichClub ni Bro. Bo Sanchez, masaya akong kumikita ng pera na WALANG GINAGAWA dahil ang pera ang nagta-trabaho para sa akin. Kumikita ako ng suweldo at ang ini-invest kong pera ay kumikita din ng pera. Ngayong araw na ito, kumita na ako ng P1,000.00 mula sa P5,000.00 na inilagay ko sa Cebu Pacific. Ang saya diba?
At alam kong kapag sumakay ako sa Cebu Pacific sa mga biyahe namin para mag-bakasyon, ang ginastos ko dito ay babalik din sa akin sa pagbigay nila ng mga dividends. Parang 'rebate' kumbaga.
At habang umaasenso ang kumpanya, aasenso din ako dahil isa akong investor. Isa ako sa mga may-ari, gaano man kaliit, ng kumpanyang Cebu Pacific.
Eh na-balita na may P52-million fine ang Cebu Pacific. Hindi ba ako natatakot na malugi ang kumpanya?
Panatag ang loob ko na dahil as Truly Rich Club, may aakay sa akin kung kailangan ko na nga itong i-benta o hahawakan ko pa din. Hindi ako manghuhula o magpapadala sa takot sa mga balita. May mga eksperto na tumitingin ng mga iyan at ang gagawin ko lang ay sundin ang payo nila. At nagtitiwala ako kay Bro. Bo dahil mabuti siyang Kristiyano at Katoliko na ang misyon lang naman ng pera talaga ay para mapasaya at mahalin ang kapuwa.
No comments:
Post a Comment