Monday, January 5, 2015

"Tumaas ang Pamasahe sa MRT at LRT! Makaka-ipon pa ba ako nito?"


Alam ko ang pakiramdam mo, kaibigan. Ang dating P100 na Stored Value Card na nagagamit ko ng 1 week ay pang-3 araw na lang. Kulang pa ng 1 biyahe. Hay, buhay nga naman... So ang dating P100 sa isang linggo ay nagiging P200 na. So total ay P400 sa dalawang linggo o walong daang piso (P800) kada buwan mula sa P400 lang. Dumoble ang gastos sa pamasahe! 

Aray ko po. 

Paano na ang pag-iipon? 


Kung sinunod mo ang payo ko dati na bawas-bawasan ang pagpunta sa mga coffeeshop, malamang ay di mo ito gaanong mararamdaman. At kung papipiliin kita ngayon, alam mo na mas mahalaga ang pag-pasok mo sa trabaho kaysa pag-tambay sa mga coffeeshop. Bakit? Sa coffeshop, palabas ang pera mula sa 'yo. Sa trabaho, papasok ang pera sa 'yo. 

Kung nakapag-simula ka na sa pag-invest, malamang ay kinita mo 'yang P400 na dagdag-gastos -- may sobra pa! 

So, babawasan mo ba ang sine-save mo para gamitin sa pamasahe sa MRT? Mali. Kailangan pa din natin sundin ang 10-20-70 Rule para masiguro natin na makapag-retiro tayong milyonaryo!

Ano ang tama at dapat gawin? Ang kailangan nating galawin ngayon at ayusin ay ang 70% na ginagamit naten na pang-gastos para 'mabawi' ang P400 na iyan. Remember: STICK TO THE PLAN! Para ito sa kinabukasan mo, hindi lang para sa ngayon lang.

No comments:

Post a Comment