Dahil miyembro ako ng Truly Rich Club ni Bo Sanchez, regular ako nakaka-tanggap sa email ng mga gabay sa pag-i-invest. At bukod dito, minsan ay may mga inspirational messages siya para panatilihin ako sa tamang mindset at tuloy-tuloy ang pag-invest.
Sa TrulyRichClub.com, may mapapanood kayong video ngayon. At bahagi nito ay ang kuwento ng isang retiradong seaman at kaniyang asawa.
Ito rin ang madalas na trahedya ng mga OFW. Lumalabas ng bansa para kumita ng malaki, aasa sa pension, at kapag nagkasakit, mangungutang na lang ng pambayad sa ospital at gamot. Nakakalungkot diba?
Kaya ko din sinimulan ito'ng blog na ito -- para matigil na ang ganitong buhay ng mga OFW at mga kababayan natin na nagreretiro. Hindi pa huli ang lahat kahit ikaw ay retirado na. Puwedeng-puwede ka pa din mag-invest... hindi lang ang stock market ang option mo. May mutual funds at insurance na may malaking potential na kumita kaysa bangko pero hindi kasing 'risky' ika nga gaya ng sa stock market.
Ang tanong na lang ngayon ay bukas ka ba sa mga ganitong bagay? At kung ikaw ay bata pa at malaki pa ang kinikita, gusto mo bang magkaroon ng hanggang P20 million pagretiro mo? Subukan mo lang ang Truly Rich Club. Bukod sa pagpapayaman sa pinansiyal na aspeto, kasama dito ang espirituwal. Kumikita ka na, nakakatulong ka pa sa kapuwa.
No comments:
Post a Comment