Tuesday, December 2, 2014

Madali Lang Mag-ipon ng Pera

"Madali lang iyan!"




Malamang ay kagaya mo rin ako. Isang empleyadong buwan-buwan lang tumatanggap ng sahod. Baka naman OFW ka na kating-kati na umuwi at sawa na sa pagta-trabaho sa Dubai, Qatar, UK, Australia, o US. At ang gusto mo na lang gawin e mag-retiro pero wala ka pang ipon. Or kulang pa ang ipon mo.

Bakit? Huhulaan ko.

"Hello, Ma? Kumusta ang UK? Kumusta mga inaalagaan mo sa ospital? Ma, may field trip kami sa school. Kailangan ng pamasahe at baon."

o kaya...


"Kuya, may sakit si nanay. Dinala namin sa ospital. Kailangan namin ng pambili ng gamot."

pwede ring...

"Honey! Yung bubong naten, nilipad ng bagyo!"

 at ang...


"Magpa-Pasko na! Regaluhan ko naman ang sarili ko ng bagong cellphone."

Narinig niyo na ba mga iyan?

Ano ang kadalasang nangyayari? 1. Maglo-loan sa kumpanya; 2. Advance sa sweldo; 3. Uutang sa kamag-anak/ibang tao; 4. Babasagin ang Piggy bank/Kukunin sa Savings Account sa bangko.

Alam mo kailangan mong gawin? Simulan mo na ang pag-iipon!

Malamang ay isasagot mo sa akin 'to: "Wala na ngang natitira sa sweldo ko, paano pa ako mag-iipon?"

Baka kasi mali ang sistemang ginagamit mo sa pag-iipon. Subukan mo itong ginagamit ko para siguradong may nai-ipon ka buwan-buwan.

Gaya nga ng sinabi ko, MADALI LANG ang pag-iipon.

Siguro iniisip mo na ang pag-iipon ay dapat malaki agad. Hindi ganoon ang gagawin naten. Ang pag-iipon na puwedeng gawin naten ay sisimulan sa pagtitipid!

No comments:

Post a Comment