"Whaaaaaat?! Empleyado lang, bibili ng kumpanya? Wehhh????"
Huwag kang magulat! Hindi ako nagbibiro. Hindi rin kita niloloko. Nakabili ako ng kumpanya, mura lang... P259.00 Ano'ng kumpanya? Meralco lang naman.
Oo. Nakabili ako ng parte ng Meralco sa P259.00 lang kada share. Ang total na gastos? P2,590.00 para sa 10 shares.
Paano nangyari iyon? Una, binasa ko muna ito'ng libro ni Bro. Bo: "My Maid Invests in the Stock Market". (Puwede mo din ito'ng i-download ng libre!) Pagkatapos noon ay nag-basa pa ako ng ibang libro tungkol sa pag-aayos ng pinansyal na kaalaman. At sa huli ay sumali ako sa Truly Rich Club. Dito tinuruan nila ako paano mag-bukas ng account sa COL Financial (o dating CitisecOnline), paano ito pondohan, at paano bumili ng stocks. Madami na ang nagawang websites tungkol doon kaya di ko na ituturo sa inyo. I-li-link ko na lang kayo sa kanila. Mas magaling at madali silang mag-sulat eh! :)
Sundan niyo lang ang instructions nila at kasama na namin kayo na naghahanda para sa pagreretirong milyonaryo!
Sa gusto natin yumaman agad-agad, kadalasan ay tumataya ang tao sa lotto. Pero kung nagiging dahilan ito para hindi ka na maka-ipon, palagay ko'y nakaka-sama na ito sa iyo.
Tumataya din ako sa lotto pero hindi araw-araw o linggo-linggo. Tumataya lang ako kapag na-i-tabi ko na ang para sa savings ko at may sobra sa mga gastusin ko. O di kaya'y isa-sakripisyo ko ang isang bagay (hindi magsa-Starbucks ngayong linggo) para may pang-taya ako kung gustong-gusto ko talagang tumaya dahil malaki ang premyo. Ang bottomline lang ay tumataya ako dahil gusto kong mag-libang sa pagtaya at pag-abang sa draw at hindi ko nilalagay ang pera ko sa peligro. "Sakto lang." ika nga. Alam ko ano ang priorities ko -- prayoridad ko ang pagreretiro ko ng kumportable at walang inaalala.
Bago ako tumaya, sinisigurado ko na nakapag-invest na ako.
Nag-lagay ako ng Lotto Results Philippines sa kanang bahagi ng blog para sa mga gustong subaybayan ang kanilang mga itinataya sa lotto. Nawa'y makatulong ito para madaling makita kung milyonaryo na nga kayo o hindi.
"Madali lang iyan!"
Malamang ay kagaya mo rin ako. Isang empleyadong buwan-buwan lang tumatanggap ng sahod. Baka naman OFW ka na kating-kati na umuwi at sawa na sa pagta-trabaho sa Dubai, Qatar, UK, Australia, o US. At ang gusto mo na lang gawin e mag-retiro pero wala ka pang ipon. Or kulang pa ang ipon mo.
Bakit? Huhulaan ko.
"Hello, Ma? Kumusta ang UK? Kumusta mga inaalagaan mo sa ospital? Ma, may field trip kami sa school. Kailangan ng pamasahe at baon."
o kaya...
Karamihan sa mga tao ay mali ang paraan ng pag-iipon. Natutunan ko din sa internet na kadalasan, hindi naman nasusunod ng karaniwang Pinoy ang mga budget na ginagawa nila. Parang New Year's Resolution lang... laging napapako. Kaya taon-taon din ang #BalikAlindog program nila.
Tatanungin ninyo ako ngayon, "Ano ba ang mali sa paraan ko ng pag-iipon?"
Kadalasan ay ganito ang ginagawa nating style pag-iipon:
Nasabi ko na nagsimula akong mag-may-ari ng ilang kumpanya dahil sa librong "My Maid Invests in the Stock Market" ni Bo Sanchez.
Mabibili mo ang libro sa National Bookstore sa halagang P200.00 lang. Para kahit nasa MRT ka o bus pauwi, pwede mong basahin.
Pero kung may tablet ka naman o may computer, pwedeng basahin ang PDF version nito ng libre galing sa COL Financial o dating CitisecOnline. Oo, as in FREE. Walang bayad. San ka pa?
At ang pagbabahagi ko ng istorya ko ay libre din. Kaya kung sisimulan mo lang naman na gustuhing yumaman at mag-retirong mayaman, samahan mo na ako sa biyaheng ito.
Bakit ko ito ipapayo sa isang taong gustong magretirong milyonaryo? Dahil kapag sinabi ko na tanggalin mo ang luho mo para maka-ipon ka, hindi mo na susundin ang payo ko diba?
"Ay, ang hirap naman pala. Huwag na lang!"
Iyan malamang isasagot mo saken. Pero kung babawasan lang naten ang mga luho, mas magaan para sa'yo ang 'adjustment'. Sasabihin ko sa'yo na mas mabilis mong maaabot ang target mo sa pag-iipon kung tatanggalin mo ang luho mo. Nasa'yo na kung gusto mo ng mabilis na mahirap na paraan o mabagal na mas madaling paraan.
Madalas din itong itanong sa akin kapag may mga kakilala akong gustong mag-simulang mag-invest sa stockmarket.
Ano nga ba ang pinag-kaiba nila?
Gaano ka-konti ang kailangan mo para magsimulang mag-ipon?
Nakita ko itong 52-week challenge sa internet dati. At ito din ay part ng paano ako nakapag-start mag-ipon. Kung paano ko nasimulan at naging "habit" ang pag-iipon ng pera.
Iyan din kasi ang pangarap ko.
Ako si Dei, isang empleyadong pumapasok araw-araw sa trabaho. Nagko-commute at sumasakay ng LRT at MRT papasok sa trabaho. May asawa't malapit na magka-anak. Di kalakihan ang suweldo pero nakakapag-ipon naman at ngayon nga'y nagmamay-ari ng ilang kumpanya.
Alin-alin? BPI, BDO, Jollibee, Ayala Land, at Cebu Pacific.
Paano? Dahil lang sa librong ito: