Marami na akong nakaka-usap tungkol sa pag-i-invest sa stock market. Bukod sa tinatamad o walang puhunan, ang pinaka-madalas na gawing palusot o excuse nila para mag-simulang mag-invest ay TAKOT.
Bakit, aswang ba ang stock market?
Palagay ko ay ganito lang ang nangyayari: may magku-kuwento sa kanila na, "Ay, oo! Si Pedro, nag-invest sa stock market. Nawala lahat ng ipon niya! Delikado yan!"
O di kaya: "Peperahan ka lang niyan. Parang networking/insurance lang gagawin sa'yo. Pagkatapos ng sampung taon na nagbabayad ka buwan-buwan, mawawala parang bula/malulugi yang kumpanyang yan. Mawawala lang pera mo."
Kayo ba, may mga alam kayong takot sa pag-i-invest sa stock market? Bakit sila takot mag-invest? Ano ang dahilan bakit sila nag-a-alinlangan?
Friday, January 23, 2015
Friday, January 9, 2015
Mag-retirong gaya ni Juan Mayaman!
May nakita akong video sa YouTube kamakailan na sobrang ikinatuwa ko at na-i-share ko sa mga ka-opisina ko. Tuwang-tuwa at tawang-tawa sila dahil sobrang nakaka-relate daw sila sa mga naka-describe sa video. Kaya gusto ko din itong i-share sa inyo sa baba.
Tungkol ito sa madalas na naririnig na tanong na 'Bakit ang mahirap, lalong naghihirap at ang mayaman ay lalong yumayaman?' Saan nga ba napupunta ang pera ni Juan dela Cruz? Sa video, hinati nito ang mamamayan ng ating bansa sa tatlong uri ng Pilipino: 1.) si Juan Mahirap; 2.) si Juan Middle Class at 3.) si Juan Mayaman. Susubukan kong i-summarize ang video kung mabagal ang internet sa bahay niyo. :D
Si Juan Mahirap ay posibleng may trabaho pero kadalasa'y contractual o walang kasiguruhan ang trabaho kaya tinitiis ang trapik at taas-pamasahe papunta sa pinapasukang trabaho kahit minimum wage o mas mababa pa ang kita. Dahil sa hirap at pagod na dinadanas sa trabaho, gusto i-reward ang sarili sa maliit na bagay: sale, ukay-ukay, o Jollibee. Hindi naiisip magtabi ng pera para sa savings o pang-puhunan sa negosyo. Kaya pag may emergency o nagkasakit, uutang na lang. At iyon na ang simula ng ikot ng suweldo -> bayad utang -> kakapusin -> mangungutang -> suweldo...

Mali yatang Juan Dela Cruz ito. Hehe. |

Monday, January 5, 2015
"Tumaas ang Pamasahe sa MRT at LRT! Makaka-ipon pa ba ako nito?"
Alam ko ang pakiramdam mo, kaibigan. Ang dating P100 na Stored Value Card na nagagamit ko ng 1 week ay pang-3 araw na lang. Kulang pa ng 1 biyahe. Hay, buhay nga naman... So ang dating P100 sa isang linggo ay nagiging P200 na. So total ay P400 sa dalawang linggo o walong daang piso (P800) kada buwan mula sa P400 lang. Dumoble ang gastos sa pamasahe!
Aray ko po.
Paano na ang pag-iipon?
Subscribe to:
Posts (Atom)