Unang-una, matagal-tagal din ako hindi nakapag-update ng blog ko dito. Ito ay sa kadahilanang ako'y nanganak na... este si misis pala ang nanganak! Kaya nanahimik ang mga 'payo' at kuwento ko dito sa pagbabahagi ko ng aking investing journey tungo sa pagreretirong mayaman at milyonaryo.
Magandang pagkakataon ito upang ikuwento ko kung paano pinaghahandaan ang mga ganitong pangyayari na hindi inaasahan. At maipapakita ko din marahil ang kahalagahan ng pag-set-aside ng 'Emergency Fund' para sa mga biglaang pangyayaring hindi inaasahan.
Dati ay hinati-hati natin ang suweldo sunod ang 10-20-70 Rule. May isa pang paraan ng paghahati-hati ng suweldo at ito ay ang 'envelope method'. (Kung na-download mo na at nabasa ang libreng e-book ni Bro. Bo, alam mo ang sinasabi ko.) Susundin pa din ang 10-20 na parte ng ating 10-20-70 Rule pero ang 70 ay mahahati pa sa mas maliit na bahagi. Ang parte ng 70% ng suweldo ay ilalaan para sa 'Emergency Fund'.
Para saan naman ito? Kailangang palitan ang gulong ng kotse. Kailangang palitan ang bubong. Naaksidente si bunso at kailangang ma-ospital. At gaya naming mag-asawa, ito ay inilaan namin sa panganganak at ibang posibleng gastusin.
Admittedly, kulang ang aming naging 'Emergency Fund'. Pero ang mahalagang punto dito ay hindi namin ginalaw ang naka-invest na sa stock market at tuloy-tuloy pa din ang hulog dito buwan-buwan. Dahil long-term ang aming vision. Long-term ang plano -- hindi lang para sa susunod na taon o susunod na buwan. STICK TO THE PLAN. Ang investment ay para sa pagreretiro namin.
No comments:
Post a Comment