Friday, November 28, 2014

My Maid Invests In the Stock Market Free E-book!

Nasabi ko na nagsimula akong mag-may-ari ng ilang kumpanya dahil sa librong "My Maid Invests in the Stock Market" ni Bo Sanchez. 



Mabibili mo ang libro sa National Bookstore sa halagang P200.00 lang. Para kahit nasa MRT ka o bus pauwi, pwede mong basahin. 

Pero kung may tablet ka naman o may computer, pwedeng basahin ang PDF version nito ng libre galing sa COL Financial o dating CitisecOnline. Oo, as in FREE. Walang bayad. San ka pa?

At ang pagbabahagi ko ng istorya ko ay libre din. Kaya kung sisimulan mo lang naman na gustuhing yumaman at mag-retirong mayaman, samahan mo na ako sa biyaheng ito.

Thursday, November 27, 2014

Huwag Tanggalin ang Luho

Bakit ko ito ipapayo sa isang taong gustong magretirong milyonaryo? Dahil kapag sinabi ko na tanggalin mo ang luho mo para maka-ipon ka, hindi mo na susundin ang payo ko diba?

"Ay, ang hirap naman pala. Huwag na lang!" 

Iyan malamang isasagot mo saken. Pero kung babawasan lang naten ang mga luho, mas magaan para sa'yo ang 'adjustment'. Sasabihin ko sa'yo na mas mabilis mong maaabot ang target mo sa pag-iipon kung tatanggalin mo ang luho mo. Nasa'yo na kung gusto mo ng mabilis na mahirap na paraan o mabagal na mas madaling paraan. 

Wednesday, November 26, 2014

Ano'ng Pinagkaiba ng "shares" sa "stocks"?

Madalas din itong itanong sa akin kapag may mga kakilala akong gustong mag-simulang mag-invest sa stockmarket

Ano nga ba ang pinag-kaiba nila?

Pa-konti-konti Lang

Gaano ka-konti ang kailangan mo para magsimulang mag-ipon? 

Nakita ko itong 52-week challenge sa internet dati. At ito din ay part ng paano ako nakapag-start mag-ipon. Kung paano ko nasimulan at naging "habit" ang pag-iipon ng pera. 

Tuesday, November 25, 2014

Gusto Mo Bang Mag-retirong Isang Milyonaryo?

Iyan din kasi ang pangarap ko.



Ako si Dei, isang empleyadong pumapasok araw-araw sa trabaho. Nagko-commute at sumasakay ng LRT at MRT papasok sa trabaho. May asawa't malapit na magka-anak. Di kalakihan ang suweldo pero nakakapag-ipon naman at ngayon nga'y nagmamay-ari ng ilang kumpanya.

Alin-alin? BPI, BDO, Jollibee, Ayala Land, at Cebu Pacific.

Paano? Dahil lang sa librong ito: